Sunday, October 16, 2005
Monday, February 21, 2005
Piece #1 First slice
Wow, my very first blog post! Di ko pa na try mag-log ever eh. Anyway, siguro for my first post, I'll give a piece of what I'm thinking right now.
Naramdaman mo na ba minsan na lahat ng halos gawin mo ay mali? Yung tipong ginagawa mo naman ang sa tingin mo ay tama pero olats pa rin? Ako oo, ngayon nga pakiramdam ko galit sa kin ang mundo. Parang bawat salita o galaw na gagawin ko may naghihintay na puna.
Nagsimula ata ang lahat nung isang linggo. Oo aminado akong kagaguhan ko iyon. Oo kasalanan kong di ko agad natignan kung ano yung epekto ng natapos ko. Oo para akong binagsakan ng mundo na hindi makapagsalita at ipagtanggol ang sarili ko. Napaiyak nga ko eh, naramdaman ko ang luha gumuhit sa pisngi ko. Doon ko talaga naramdaman na galit sa kin lahat at ala na kong makakausap.
Naayos din. Lintik, nakailang oras ata akong naghihintay at nagiisip ng paraan para makabawi. Pero ala na,nadungisan na ko. Lugmok na kumbaga. May pag-asa pa kayang makabangon ?
Di ko talaga alam, sabagay 9 na buwan na lang. 9 na buwan, parang sanggol no? Sana makalaya na ko... Sana matapos na ito... Sana magising na ko sa bangungot ...